The cutest kitten gifs ever on tumblr
do not do this to my frail and mortal being
(via yuridaisuki)
(Source: allofhelights, via prunejuiceonaisle4)
(Source: break-through-the-exit)
Dapat Tama
“Francis Lyn Samaco.”
Sabay tingin sa akin. At ipinaabot ang iba pang listahan ng kung sino-sinong pangalan na madalas kong marinig sa daan.
“Anak ba to ni Tito Rudy? Ngayon ko lang to nakita ah.”
Hala. Kilala niya na ako. Ano to? Ano ba tong ginagawa ko? Kinamayan at hinawakan pa yung cheeks ko. Puta.
Alam niyang pinagbibili ko ang boto ko.
“Pinsan ko pala tong mga to eh”
Akalain mo yun. Kamag-anak ko pa. Nasa dugo na ba to? Sana lang hindi. Tinignan ko yung nasa papel. Pangalan, precint no., cluster no., at sample ballot. Detalyado ha. Anim kami na nakalista sa kanya. Kilala ko silang lahat na nakalista. Ganito ba talaga kami?
“Eto yung tatlong libo, tiglilimang daan kayo. Magbigay na lang sana kayo ng 50 pang pamasahe lang.”
“O sige kukuha lang ako”
Sagot ni kuya.
Nanririndi ako sa tono ng lalaking to. Parang ang dating napaka mura ko at kilalang kilala niya na ako.
“Basta, wag niyong kalimutan. Si Abakada para sa konsehal ha”
Hmm. Mukhang malaki ang ambag nito sa mga pagbili ng boto ah. Iilan sila kasi sa listahan, kaya tingin ko ambagan sila para afford nila ang boto ng marami. Let’s volt in ang drama.
Nakita ko si itay. Disappointed look. Dadaduduum. Dagdag konsensya.
“Kala ko ba mataas ang presipyo mo, kung sino ka pang makapagsalita.”
Saksak puso tulo ang dugo. Alam ko. At ngayon ko lang tunay na naintindihan. Legit feelings. Natapakan ako.Di ko pala kaya yung ganito. Dapat itama ko na. Pero andun na eh.
“Ibigay mo na lang yan kay ate. Tulong niyo na lang yan.”
“O sige.”
Biglaang naalala ko yung sinabi ng kaibigan at ate ko.
“Pineperahan ko lang naman sila, di ko naman sila iboboto.”
“Sila rin naman yung iboboto ko eh, so parang balato na lang to.”
Ang labo. Sobrang labo pare. Ano nga bang dapat na disposisyon sa ganito. Totoo pala ang lahat. Akala mo kung sino akong makapagsalita tapos makikilala nila ako ng ganun. Akala mo ba, ipinamimigay lang yung pera ng ganun ganun. Inaalam nila yung precinto, pamilya, at kung sino ka. Nakakawala ng prensipyo. Di pala boto mo ang binoboto mo kundi sarili mo’t kinabukasan mo. Kailangan ko na talaga ng sariling paninindigan. Dapat tama na.
“Wala na tayo magagawa at nagawa mo na yan, basta sa susunod wag mo nang ipagboto yan.”
Inked and I voted

Senator:
- Dick Gordon
- Ed Hagedorn
- Loren Legarda
- Jamby Madrigal
- Ramon Magsaysay, Jr.
- Migz Zubiri
- Chiz Escudero
- Rosales
- Biunas
- Aguire
- Kamilon
- Aldaba
- Ting
- Atadero
- Abacan C.
- Mekok
- Abacan D.


